MULA SA PAMBANSANG ATAS, TUNGO SA PAGKILOS SA BAWAT PAMAYANAN!
PKKMP ADVISORY NO. 005-2026
Oktubre 10, 2026
Batay sa Resolusyon Blg. 007-2026
Panawagan sa lahat ng kinauukulang opisyal ng PKKMP sa Luzon, Bisayas at Mindanao: ihatid sa mga lokal na pamahalaan ang kahilingan sa pagkilala sa ating organisasyon at mga awtorisadong kinatawan, at sa naaangkop na suporta sa ating mga programa!
IHANDA ang sertipikadong resolusyon, mga dokumento ng organisasyon, ID at sulat-awtoridad.
IHATID ang kahilingan sa LGU at kaukulang sanggunian.
ITALA ang pagtanggap, tugon at mga susunod na hakbang.
IULAT ang resulta sa Pambansang Direktor Heneral at Kalihim.
Isulong ang mga gawaing pangwika, pangkultura, edukasyon, kabuhayan at bolunterismo—kasama ang pamayanan at sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-ugnayan.
DATO BINALAN HANAS
Pangulo, PKKMP
BAI FRAIDELYN SAMAL DANI
Pangalawang Pangulo at Pambansang Direktor Heneral Luzon, Bisayas at Mindanao
BAE EDNA BIOGOS MISA
Kalihim, PKKMP
Ang pagkilala, akreditasyon at suporta ng LGU ay dadaan sa kaukulang proseso at pag-apruba.
Mga opisyal at kasapi: ibahagi ito sa inyong mga konseho at ihanda ang inyong mga dokumento. Sama-sama nating gawing konkretong serbisyo ang bawat hakbang!
Sanggunian: Resolusyon Blg. 007-2026, pinagtibay noong Oktubre 08, 2026, mga pahina 1–6.
#PKKMP#Advisory0052026#TinigNgKatutubo#SagipinAngWika#PasiglahinAngWika#LuzonBisayasMindanao#LakbayLikhaLunas





