Tapang at Pag-ibig

Serving the Indigenous Nation under God, Custom, and Law

“Ang Bisyon at Misyon ng PKKMP ay hindi lamang para sa ngayon, kundi para sa mga susunod na henerasyon — upang maipasa ang dangal, karunungan, at pamana ng ating mga ninuno sa ilalim ng liwanag ng Batas ni Yahweh.”
— Dato Binalan Hanas, Pangulo ng PKKMP

Bisyon
Isang nagkakaisang Bayan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas—malaya, marangal, at may sariling pamahalaang nakaugat sa Batas ni Yahweh, sa Tribal Justice System, at sa karunungang ipinasa ng mga ninuno; nananahan sa lupang kaloob ni Bathala bilang Yutang Kabilin, tagapangalaga ng kapayapaan, kalikasan, at katarungang makadiyos.
Misyon
Upang itaguyod, ipagtanggol, at ipanatili ang:
  1. Karapatan at Kalayaan ng bawat Katutubong Pamayanan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
  2. Tribal Justice System bilang katuwang ng pambansang hudikatura sa paghahatid ng tunay na hustisyang katutubo.
  3. Pagkakaisa at Pagtutulungan ng lahat ng pangkat etniko sa ilalim ng isang pambansang konseho.
  4. Pagpapanatili ng Pananampalataya, Kultura, at Tradisyong Katutubo na siyang sandigan ng pambansang pagkakakilanlan.
  5. Pagpapaunlad ng Edukasyon, Kabuhayan, at Kalikasan ayon sa mga alituntuning espiritwal at moral na itinakda ng ating mga ninuno.

Layunin at mga Tiyak na Layunin

01
Pamahalaan at Pagkakaisa
  • Magtatag ng epektibong estruktura ng pamahalaang katutubo mula barangay hanggang pambansa.
  • Magpabuklod ng pagkakaisa sa lahat ng pangkat etniko sa pamamagitan ng Oral at Written Laws.
02
Katarungan at Hustisya
  • Ipatupad ang Tribal Justice System bilang mekanismo ng mapayapang pagresolba ng alitan.
  • Isulong ang konsepto ng Matuwid na Timbangan at Tuwid na Hatol (Deuteronomio 16:18–20) bilang pamantayan ng hatol.
03
Pagprotekta sa Lupang Ninuno (Yutang Kabilin)
  • Ipaglaban ang karapatan ng bawat tribo sa kanilang lupang ninuno, likas-yaman, at kabuhayan.
  • Ipatupad ang mga probisyon ng IPRA Law (RA 8371) kasabay ng mga Batas ni Yahweh.
04
Kultura at Pananampalataya
  • Pangalagaan ang sining, wika, musika, at ritwal ng bawat tribo bilang pamana sa susunod na henerasyon.
  • Itaguyod ang mga Babaylan, Bai, at Espiritwal na Tagapayo bilang haligi ng moral at espiritwal na pamumuno.
05
Edukasyon at Kabuhayan
  • Magtatag ng Bahay Wika, Tribal Learning Centers, at mga programang pangkabuhayan para sa kabataan at matatanda.
  • Hikayatin ang bawat pamayanan na magtayo ng Tribal Development Fund para sa sariling proyekto sa edukasyon at kalikasan.
06
Pamamahala at Pananagutan
  • Isulong ang tapat at makadiyos na pamamahala ng pondo ng PKKMP bilang Banal na Yaman ni Yahweh.
  • Magsagawa ng taunang audit at ulat ng pananagutan sa lahat ng antas ng pamahalaang katutubo.
07
Pagpapanibago at Pagpapaunlad
  • Ipatupad ang General Assembly taon-taon bilang forum ng pagkakaisa at pagsusuri ng mga batas.
  • Likhain ang mga patakarang magbibigay-daan sa makabagong teknolohiya at pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan.

Press Release

https://pkkmp.org/wp-content/uploads/2026/10/0.jpg
📖✨ BAHANDI SANG MGA TULOMANON18 ARTIKULO • ILUSTRADONG SERYE
Anong aral ng pamayanan ang nais mong maipamana sa susunod na salinlahi? Tunghayan ang Artikulo I–XVIII sa mga bagong 3D ilustrasyon—isang paanyayang pagnilayan ang dignidad, katapatan, pangangalaga sa kalikasan, paggalang sa pamilya at pananagutan...
842143140_122143128849096731_7391925239838845984_n
📣PKKMP ADVISORY NO. 005-2026
MULA SA PAMBANSANG ATAS, TUNGO SA PAGKILOS SA BAWAT PAMAYANAN! PKKMP ADVISORY NO. 005-2026 Oktubre 10, 2026 Batay sa Resolusyon Blg. 007-2026 Panawagan sa lahat ng kinauukulang opisyal ng PKKMP sa Luzon, Bisayas at Mindanao: ihatid sa mga lokal...
843884027_122143105761096731_1025522846929527198_n
📣 MAGKAKAIBA MAN ANG WIKA, IISA ANG PANAWAGAN: PAGKAKAISA PARA SA KATUTUBONG MAMAMAYAN! 🇵🇭
Ngayong 10 Oktubre 2026, ginanap sa Lemon Square, Muñoz, Quezon City ang PROKLAMASYON ng mga pinuno ng Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (PKKMP): BAI FRAIDELYN SAMAL DANI Pambansang Direktor Heneral — Luzon, Visayas at Mindanao...
825268022_122111126469479625_4615485531719201469_n
📜✨ ISANG MAKASAYSAYANG HAKBANG PARA SA WIKA, KULTURA AT KASAYSAYAN! ✨📜
Buong-pusong pasasalamat sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa pagkilala sa pagtanggap ng aklat na: “Bahandi Sang Mga Tulomanon: Kodigo ni Kalantiaw 1433 at ang 18 Artikulo” Ayon sa opisyal na liham ng NHCP na may petsang...
820279916_122141405475096731_2169192881741127937_n
📣 MAKASAYSAYANG HAKBANG PARA SA KARAPATAN SA LUPANG NINUNO!
Noong Setyembre 24, 2026, pormal na naghain ang Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (PKKMP) ng kahilingan sa Office of the Solicitor General para sa angkop na legal na pagsusuri at interbensiyon kaugnay ng sinasabing Native Title sa...