πŸ“’ PKKMP JOURNAL | SPECIAL REPORT : MEMORANDUM NO. 002-2026

  • Post category:Balita
  • Post comments:0 Comments
You are currently viewing πŸ“’ PKKMP JOURNAL | SPECIAL REPORT : MEMORANDUM NO. 002-2026

OPISYAL NA PAGLILINAW SA MANDATO, SAKLAW, AT PANININDIGAN NG PKKMP

Ang Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas, Inc. (PKKMP) ay naglalabas ng opisyal na paglilinaw upang maiwasan ang maling impormasyon at maling pagpapakahulugan sa mga programa, dokumentasyon, at community assistance na isinasagawa nito.

πŸ”΄ PANGUNAHING PAHAYAG

> ANG PKKMP AY HINDI NAG-IISYU AT WALANG INAANGKING KAPANGYARIHANG MAG-ISYU NG NATIVE TITLE, CALT, CADT, CADC, O ANUMANG TITULO, SERTIPIKASYON, LISENSIYA, PERMIT, O DOKUMENTONG ANG REPUBLIKA NG PILIPINAS O ANG AWTORISADONG AHENSIYA LAMANG ANG MAAARING MAGLABAS.

Kinikilala at iginagalang ng PKKMP ang 1987 Constitution, Republic Act No. 8371 o Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA), ang mandato ng NCIP, due process, at pambansang soberanya.

Ang maaaring ambag ng PKKMP ay community assistance, documentation, pagtulong sa community-led identification at self-delineation, pag-iipon ng genealogy, kasaysayan, customary landmarks, oral testimony at iba pang ebidensiya, at paghahanda ng mga dokumentong maaaring isumite sa mga ahensiyang may legal na hurisdiksiyon.

Hindi ito kapalit ng opisyal na delineation, adjudication, recognition, survey, CALT/CADT processing, o pag-iisyu ng titulo ng kinauukulang ahensiya.

Nanindigan din ang PKKMP laban sa korapsyon, diskriminasyon, pang-aapi, pananakot, pang-aabuso, pangangamkam ng lupang ninuno, at anumang pagkilos na lumalabag sa due process at karapatan ng mga katutubong pamayanan.

Kasabay nito, nananawagan ang PKKMP sa NCIP, mga LGU, pambansang ahensiya, law-enforcement at accountability institutions na pairalin ang batas, transparency, consultation, FPIC kung naaangkop, due process, at tunay na pakikilahok ng mga ICCs/IPs.

Ang PKKMP ay hindi kalaban ng NCIP o ng Republika ng Pilipinas. Ito ay nakikiambag sa paghahanap ng katotohanan, kapayapaan, katarungan, at wastong proseso, habang naninindigan sa karapatan at dignidad ng mga katutubo.

KARAPATAN β€’ DIGNIDAD β€’ KATARUNGAN β€’ KAPAYAPAAN

IGALANG ANG KARAPATAN AT TINIG NG KATUTUBO.

PKKMP JOURNAL β€” SPECIAL REPORT

Para sa impormasyon at malawakang pagpapalaganap.

#PKKMP#PKKMPJournal#SpecialReport#Memorandum0022026#IndigenousPeoples#KatutubongMamamayan#IPRA#RA8371#KarapatanNgKatutubo#DueProcess#AncestralDomain#Katotohanan#Katarungan#Kapayapaan

Leave a Reply