πŸ“° PKKMP JOURNAL | SPECIAL REPORT : PKKMP AT TALAANDIG TRIBE NG REHIYON X, NAKIPAG-COURTESY MEETING SA KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

  • Post category:Balita
  • Post comments:0 Comments
You are currently viewing πŸ“° PKKMP JOURNAL | SPECIAL REPORT : PKKMP AT TALAANDIG TRIBE NG REHIYON X, NAKIPAG-COURTESY MEETING SA KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

PKKMP AT TALAANDIG TRIBE NG REHIYON X, NAKIPAG-COURTESY MEETING SA KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

SETYEMBRE 1, 2026 | MAYNILA β€” Bilang bahagi ng paghahanda para sa Unang Taunang Pagtitipon ng Pambansang Koalisyon ng mga Katutubo at Maralita ng Pilipinas (PKKMP) na gaganapin sa Setyembre 3–4, 2026, nagsagawa ng courtesy meeting ang PKKMP kasama ang mga kinatawan ng Talaandig Tribe mula sa Rehiyon X, Central Mindanao, sa tanggapan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Ang pagdalaw ay nagsilbing pagkakataon upang maipahayag ang layunin ng taunang pagtitiponβ€”ang higit na pagpapatibay ng pagkakaisa, kultura, wika, pagkakakilanlan at pakikipagtulungan para sa kapakanan ng mga Katutubong Pamayanang Kultural sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa naturang pagbisita, nakapanayam at nakadaupang-palad ng delegasyon sina Atty. Marites A. Barrios-Taran, Tagapangulo ng KWF; Kom. Carmelita C. Abdurahman; at Kom. Benjamin M. Mendillo, Jr., PhD, kapwa mga fultaym na Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino.

GAWAD SALO^ β€” β€œTANGLAW NG KATUTUBO”

Isa rin sa mga tampok na bahagi ng programa sa Setyembre 3–4, 2026 ang pagkakaloob ng GAWAD SALO^ β€” β€œTanglaw ng Katutubo,” isang pagkilalang nakalaan upang parangalan ang mga indibidwal na may mahalagang ambag sa pagsusulong at pagtataguyod ng wika, kultura, pamana at kapakanan ng mga Katutubong Pamayanan.

Ang courtesy meeting ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap na magkaroon ng makabuluhang dayalogo at ugnayan sa pagitan ng mga kinatawan ng mga katutubong pamayanan at mga institusyong may tungkulin sa pagtataguyod ng mga wika at kulturang Filipino.

β€œNagkakaisa sa Wika, Kultura at Karapatanβ€”Tungo sa Mas Matatag na Kinabukasan ng mga Katutubong Pamayanan.”

PKKMP JOURNAL β€” SPECIAL REPORT

Setyembre 1, 2026

Para sa Unang Taunang Pagtitipon | Setyembre 3–4, 2026

Leave a Reply