Sa pangunguna ni Kom. Benjamin M. Mendillo, PhD, Komisyoner para sa Pangasiwaan at Pananalapi ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), isinagawa ang isang pulong at presentasyon kasama ang apat na Punong Barangay mula sa iba’t ibang pamayanan sa Camarines Sur, Bicol.
Dinaluhan din ang pagpupulong ng mga kinatawan ng Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (PKKMP), kabilang sina Dato Binalan Hanas, Pangulo ng PKKMP; Bai Fraidelyn Samal Dani, Pangalawang Pangulo; at Dato Kamta Jesus Gaysis Oberio, Tribal Chieftain ng Tribal Barangay Kamta, Panay Bukidnon-Ati ICCs/IPs.
Tinalakay sa pagpupulong ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan, mga pamayanang katutubo, at mga institusyong nagsusulong ng pangangalaga sa wika, kultura, at kasaysayan.
Kabilang sa mga dumalo ang mga Punong Barangay mula sa:
– Brgy. Pili, Presentacion, Camarines Sur
– Brgy. Bicalen, Presentacion, Camarines Sur
– Brgy. Tanawan, Presentacion, Camarines Sur
– Brgy. Lidong, Presentacion, Camarines Sur
Binigyang-diin sa pagpupulong ang kahalagahan ng pagkilala at pangangalaga sa mga katutubong wika at kultura bilang mahalagang bahagi ng pambansang pagkakakilanlan.
“Ang wika at kultura ay pamana ng bawat henerasyon. Ang pagkakaisa ng pamahalaan at ng mga katutubong pamayanan ay mahalaga sa pagpapanatili ng ating kasaysayan at pagkakakilanlan.”
#SpotNews#KWF#PKKMP#KatutubongMamamayan#PanayBukidnonAti#TribalBarangayKamta#Bicol#CamarinesSur#Wika#Kultura#Kasaysayan


