Manila, Philippines — November, 14, 2025
Isang makasaysayang hakbang ang isinagawa ng Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (PKKMP) at ng Tribal Court of Perlas ng Silangan, sa pangunguna ni Dato Binalan Hanas, matapos maghain ng Complaint-Affidavit laban sa Republic Act No. 12027 at sa Implementing Rules and Regulations (IRR) na ipinalabas ng DepEd at KWF noong Enero 2025.
Ayon kay Dato Binalan Hanas, ang implementasyon ng RA 12027—na tumatanggal sa Mother Tongue bilang medium of instruction mula Kindergarten hanggang Grade 3—ay isang direktang paglabag sa karapatan ng mga Katutubo, kabilang ang:
Karapatang pangwika
Karapatang pangkultura
Karapatang pang-edukasyon
Karapatan sa sariling identidad at pamumuhay
Karapatang ituro at ipamana ang kanilang katutubong wika
“Ito ay pagkitil sa sariling wika. Ito ay pagpatay sa kultura. Ito ay pagyurak sa karapatan ng Katutubo.”
— Dato Binalan Hanas
Pangulo, PKKMP
Supreme Tribal Judge Minister, Tribal Court of Perlas ng Silangan
MGA BATAYANG PAGLABAG
1. Labag sa 1987 Philippine Constitution
Ang mga rehiyonal at katutubong wika ay dapat gamitin bilang auxiliary media of instruction.
Ang Estado ay may tungkuling protektahan at paunlarin ang kultura at wika ng mga Katutubo.
2. Labag sa IPRA (RA 8371)
Nilabag ang Section 16, 29, 32:
➤ Karapatan sa kultura
➤ Karapatan sa sariling edukasyon
➤ Karapatan sa katutubong wika
Wala ring Free, Prior and Informed Consent (FPIC) na obligadong kunin bago magpatupad ng polisiya na nakakaapekto sa ICCs/IPs.
3. Labag sa UN Declaration on the Rights of Indigenous Peoples (UNDRIP)
Art. 13 & 14: Karapatang matuto at magturo gamit ang sariling wika.
4. Labag sa Mandato ng KWF
Ang mandato ng KWF ay protektahan at paunlarin ang mga wika, hindi ang ipatigil ang kanilang paggamit.
MGA EPEKTO NG RA 12027 SA MGA KATUTUBO
Ayon sa PKKMP, ang pagpapatupad ng RA 12027:
Magdudulot ng pagkawala ng higit 40 katutubong wika sa loob lamang ng dalawang henerasyon.
Magbibigay-daan sa cultural extinction ng maliliit na tribu.
Magpapalala ng dropout rate ng mga batang Katutubo dahil hindi nila naiintindihan ang Filipino/English sa murang edad
Magpapawalang-bisa sa Indigenous Educational Systems na kinikilala ng IPRA.
Magpapahina sa papel ng mga tribal elders, chieftains, cultural keepers, at tagapagmana ng wika.
PKKMP: “ILLEGAL & VOID ANG IRR SA LOOB NG ANCESTRAL DOMAINS.”
Binibigyan-diin ng PKKMP at Tribal Court of Perlas ng Silangan na ang IRR:
Walang bisa sa loob ng Ancestral Domains.
Walang konsultasyon sa Tribu, kahit ito ay mandated under IPRA.
Hindi maaaring ipatupad sa anumang ICC/IP territory nang walang FPIC.
MALAWAKANG PANAWAGAN SA TAONG BAYAN
Hinimok ni Dato Binalan Hanas ang publiko, akademya, guro, linggwista, historians, at lahat ng sektor na:
“Igiit ang karapatan ng bawat Pilipino sa sariling wika—lalo na ang mga Katutubo na siyang ugat at tunay na may-ari ng mga wika ng bansang ito.”
PKKMP INIHAHANDA NA ANG SUSUNOD NA MGA HAKBANG:
Petition sa Supreme Court
National Day of Indigenous Languages
Cultural Vigil sa buong bansa
Pagbuo ng Indigenous Language Revival Centers
Partnership sa international linguistic defenders
Pagpapalabas ng Tribal Court Advisory vs. RA 12027
APPEAL TO THE PRESIDENT OF THE REPUBLIC
Nanawagan din ang PKKMP sa Pangulo ng Pilipinas:
“Pakiusap sa Malacañang — ipagtanggol ninyo ang mga wika ng Inang Bayan. Ito ay hindi lamang batas; ito ay buhay, kaluluwa, at pagkakakilanlan ng sambayanang Pilipino.”
CONTACT:
Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (PKKMP)
Email: pangulo.pkkmp2025@gmail.com
Mobile: 09493560164
Website: perlasngsilanganph.com