Maynila, Pilipinas – Setyembre 17, 2025 – Isang makasaysayang hakbang ang isinagawa ng mga Katutubong Mamamayan mula Luzon, Visayas, Mindanao, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos pagtibayin ang Saligang Batas ng Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (PKKMP).
Ang Saligang Batas ay naglalayong pagtibayin ang pagkakaisa at sariling pamamahala ng lahat ng Katutubong Pamayanan sa bansa, bilang katuwang ng Republika ng Pilipinas sa pagpapatupad ng katarungan, kapayapaan, at kaunlaran.
Mga Pangunahing Nilalaman ng Saligang Batas:
- Pagkilala sa Karapatan ng Katutubo – Pagpapanatili at pagtatanggol sa lupaing ninuno (Yutang Kabilin) at lahat ng likas na yaman nito.
- Pamahalaang Katutubo – Pagtatatag ng estrukturang pamunuan mula pambansa (Tagapngulo, Pangalawang Pangulo, Kalihim-Heneral, at mga Direktor-Heneral) hanggang rehiyon, probinsya, lungsod, at bayan.
- Sistema ng Hustisya – Pagkilala at pagpapatupad ng Customary Laws at Tribal Court sa bawat pamayanan, kasabay ng mandato ng NCIP at Konstitusyon ng Pilipinas.
- Kultura at Pananampalataya – Pagtitiyak na maipapasa sa susunod na henerasyon ang wika, tradisyon, at pananampalataya ng mga ninuno.
- Pananagutan sa Pamayanan – Pagbibigay-diin sa tungkulin ng bawat kasapi na ipagtanggol ang lupaing ninuno laban sa anumang ilegal na pananakop o pang-aabuso.
Isang Panawagan ng Pagkakaisa
Sa pamamagitan ng bagong Saligang Batas, pinagtitibay ng PKKMP na ang mga Katutubong Mamamayan ay may karapatan sa sariling pagpapasya (right to self-determination) at may mahalagang papel sa pambansang kaunlaran.
Ayon kay DATO BINALAN HANAS, Tagapangulo ng PKKMP:
“Ito ay hindi lamang dokumento, kundi isang buhay na patunay ng ating kasaysayan, ating karapatan, at ating kinabukasan bilang Katutubong Mamamayan ng Pilipinas.”
📌 Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan:
Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (PKKMP)
Email: datobinalanhanas@gmail.com | Telepono: +639124989333