Matagumpay ang Panunumpa sa Katutubong Tungkulin ng Bawat Pangkat Etniko

You are currently viewing Matagumpay ang Panunumpa sa Katutubong Tungkulin ng Bawat Pangkat Etniko

Isang makasaysayang araw ng pagkakaisa at pagtupad sa sagradong tungkulin ang ginanap sa ilalim ng Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (PKKMP) kung saan matagumpay na nanumpa ang mga pinuno at kasapi ng iba’t ibang Pangkat Etniko mula Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang seremonya ng Panunumpa sa Katutubong Tungkulin ay isinagawa bilang simbolo ng pagkilala sa pamana, dangal, at pananagutan ng bawat Katutubo na maglingkod sa Diyos, Bayan, at Pamayanan—alinsunod sa sinaunang kautusan ng “Tapang at Pag-ibig.”

Pinangunahan ng mga kinatawan mula sa Komisyon sa Wikang Filipino, mga Tribal Chieftains, Elders, at Cultural Leaders, ang panunumpa ay nagpatibay ng panibagong yugto ng pagkakaisa sa ilalim ng Customary Self-Governance Since Time Immemorial.

Ang makasaysayang pagtitipon ay patunay na ang diwa ng pagka-Katutubo ay buhay at nagpapatuloy — naglilingkod, nagbubuklod, at nagtuturo ng karunungan para sa susunod na henerasyon.

Leave a Reply