Konstitusyon ng Pambansang Konseho ng
Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (PKKMP)
PANIMULA
Kami, ang mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao, na mula pa noong unang panahon (“Mula 970 B.C. Hanggang 2025 para sa mga Susunod na Henerasyon”) ay pinagkalooban ni Yahweh ng Yutang Kabilin, Banal na Pamana, at Kalayaan, ay nagkakaisa upang itaguyod, ipagpatuloy, at palakasin ang aming sariling pamahalaan, batay sa Oral Laws at Written Laws, bilang pagkilala sa Tribal Justice System ng bawat Pangkat Etniko at Wika.
Sa bisa ng 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, ng Republic Act No. 8371 (Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997), at alinsunod sa Batas ni Yahweh, itinatatag namin ang Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (PKKMP) bilang Kataas-taasang Samahan na magsisilbing tagapagtanggol ng karapatan, kultura, pananampalataya, at pamahalaang katutubo ng bawat tribo sa ating Bansa.
ARTIKULO I — Pangalan at Pagkakakilanlan
- Ang organisasyon ay tatawaging Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (PKKMP).
- Ito ay kinikilala bilang pambansang katawan na kumakatawan sa lahat ng pangkat etniko at katutubong pamayanan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
ARTIKULO II — Mga Batayang Prinsipyo
- Batas ni Yahweh – Ang Kataas-taasang Batas na gumagabay sa lahat ng pamumuhay, pamamahala, at hustisya.
- Batas ng Republika ng Pilipinas – Ang umiiral na pambansang batas na kumikilala at nagtataguyod sa karapatan ng mga Katutubo.
- Oral Laws – Mga tradisyunal na batas, paniniwala, at kaugalian na isinasalin sa pamamagitan ng bibig ng mga nakatatanda at mga pinunong tribo.
- Written Laws – Mga nakasulat na dokumento, kasunduan, at alituntunin ng bawat tribo na kinikilala bilang bahagi ng Tribal Justice System.
ARTIKULO III — Layunin at Misyon
- Itaguyod ang karapatan at kalayaan ng mga Katutubong Mamamayan sa lahat ng rehiyon ng bansa.
- Ipagtanggol ang Yutang Kabilin at lahat ng likas-yaman laban sa sinumang mang-aagaw o mananalakay.
- Palakasin ang Tribal Justice System bilang katuwang ng pambansang hudikatura.
- Itaguyod ang pagkakaisa ng lahat ng Pangkat Etniko sa ilalim ng iisang pambansang konseho.
- Isulong ang edukasyon, kabuhayan, at espiritwalidad na nakaugat sa kultura at Batas ni Yahweh.
ARTIKULO IV — Estruktura ng Pamahalaan
- Pambansang Konseho – Binubuo ng mga kinatawan mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
- Rehiyonal na Konseho – Bawat rehiyon ay bubuo ng sariling konseho upang pangasiwaan ang mga kasaping tribo.
- Panlalawigan at Pangkabahaging Konseho – Bawat lalawigan, lungsod, o munisipyo na may Katutubong Mamamayan ay magkakaroon ng kinatawan.
- Barangay Tribal Council – Ang pangunahing yunit na binubuo ng mga kasaping Katutubo sa barangay. Sila ang unang tatanggap at lulutas ng mga usapin bago ito iakyat sa mas mataas na antas.
- Punong Datu / Tribal Chief – Kinikilalang pinakamataas na pinuno ng isang tribo.
- Konseho ng mga Datu at Bai – Lupon ng mga nakatatanda at pinunong espiritwal na tagapayo at tagapagpatupad ng hustisya.
- Tribal Court / Pamahalaang Katarungan – Ang sistemang hudisyal na naglalapat ng Oral at Written Laws sa bawat antas ng pamahalaang katutubo.
ARTIKULO V — Karapatan at Pananagutan ng mga Miyembro
- Bawat tribo mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay may pantay na karapatan at boses sa Konseho.
- Ang bawat kasapi ay dapat sumunod at magtaguyod ng Batas ni Yahweh, ng Batas ng Republika, at ng sariling Tribal Justice System.
- Ang bawat miyembro ay may pananagutang ipagtanggol ang Yutang Kabilin at pamana ng kanilang mga ninuno.
ARTIKULO VI — Pagpapatupad ng Hustisya
- Ang Tribal Justice System ay kikilalanin bilang katuwang ng pambansang hudikatura.
- Ang mga kaso ay dapat dinggin sa antas-barangay (Barangay Tribal Council) at kung kinakailangan ay iaakyat sa Panlalawigan, Rehiyonal, at Pambansang Konseho.
- Ang paghatol ay dapat nakaangkla sa Batas ni Yahweh:
ARTIKULO VII — Mga Probisyon sa Lupang Ninuno
- Ang Yutang Kabilin ay sagrado at hindi maaaring ipagbili; ito ay ipapamana lamang sa sariling lahi.
- Lahat ng tribo ay may karapatang bawiin at ipagtanggol ang kanilang mga ninunong lupa.
- Ang sinumang mang-aagaw, maninira, o mananakop sa lupaing katutubo ay pananagutin sa batas ng tribo at sa batas ng Republika.
ARTIKULO VIII — Pagpapatibay
- Ang Konstitusyong ito ay epektibo kaagad matapos pagtibayin ng mga kinatawan ng bawat tribo mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao, at pormal na iproklama ng Pambansang Konseho.
- Ito ay itinatag bilang Banal na Tipan sa pagitan ng mga Katutubong Mamamayan, ng Republika ng Pilipinas, at ng Diyos na Buhay, si Yahweh.
ARTIKULO IX — Mga Tuntunin sa Halalan at Pamumuno
Seksyon 1. Prinsipyo ng Pamumuno
Ang pamumuno sa PKKMP ay itinatag batay sa karunungan, kabutihan, at tapat na paglilingkod, alinsunod sa mga Oral Laws, Written Laws, at Batas ni Yahweh.
Seksyon 2. Mga Posisyon sa Pambansang Antas
Pangulo, Pangalawang Pangulo/Kalihim-Heneral, mga Direktor-Heneral, mga Rehiyonal at Panlalawigang Direktor, at mga Coordinator I–III sa lokal na antas.
Seksyon 3. Pamantayan sa Pagpili
Katutubo, may edad 25 pataas, may mabuting asal, kinikilala ng komunidad, at walang kasong mabigat.
Seksyon 4. Paraan ng Paghalal at Pagtatalaga
Isasagawa sa pamamagitan ng konsensus o boto ng mga kinatawan ng bawat tribo, at dapat maitala sa Tribal Record Book.
Seksyon 5. Panunumpa ng Katapatan
“Ako, si DATO BINALAN HANAS (Chaplain FREDERICK BINCAL BERRY), ay taimtim na nanunumpa na ipagtatanggol at itataguyod ang Batas ni Yahweh, ang Konstitusyon ng PKKMP, at ang karapatan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas…”
Seksyon 6. Panahon ng Panunungkulan
Sampung (10) taon, maaaring muling mahalal nang isang beses, maliban kung nakabatay sa kaugalian ng tribo (habambuhay kung kinikilala).
Seksyon 7. Disiplina ng mga Pinuno
Ang sinumang lumabag sa batas o nagdulot ng kahihiyan ay maaaring patawan ng parusa matapos ang maayos na pagdinig ng Tribal Court.
Seksyon 8. Espiritwal na Pamumuno
Kinikilala ang mga Babaylan, Bai, at Espiritwal na Tagapayo bilang gabay ng pamahalaang katutubo.
Seksyon 9. Pambansang Pagpupulong (General Assembly)
Isinasagawa taon-taon bilang sagradong pagtitipon ng mga Katutubo sa ilalim ng pagpapala ni Yahweh.
ARTIKULO X — Pondo, Ari-arian, at Pananalapi
Seksyon 1. Prinsipyo ng Pamamahala ng Pondo
Ang pondo ng PKKMP ay banal na yaman ni Yahweh na dapat gamitin sa kabutihan ng lahat.
Seksyon 2. Pinagmumulan ng Pondo
Kontribusyon ng miyembro, donasyon, kita mula sa proyekto, partnership programs, at grant.
Seksyon 3. Pamamahala ng Pondo
Lahat ng transaksyon ay dapat aprubado ng Pambansang Konseho at may lagda ng tatlong pangunahing opisyal.
Seksyon 4. Ari-arian at Likas-Yaman
Ang lahat ng pag-aari ng PKKMP ay hindi maaaring ariin ng isang tao lamang; ito ay para sa sambayanang Katutubo.
Seksyon 5. Auditing at Pananagutan
Magkakaroon ng Komiteng Pang-Audit na magsusuri at mag-uulat sa lahat ng gastusin at kita.
Seksyon 6. Pondo ng mga Tribo
Bawat tribo ay maaaring magtatag ng Tribal Development Fund para sa edukasyon, kabuhayan, at kulturang proyekto.
Seksyon 7. Espiritwal na Pananagutan
“Ang Yaman ng Bayan ay hindi sa tao, kundi kay Yahweh; kaya’t sino mang humawak nito ay dapat maging katiwala, hindi tagapag-angkin.”
Seksyon 8. Mga Proyekto at Gastusin
Lahat ng malalaking proyekto ay dapat dumaan sa boto ng konseho; prayoridad ang edukasyon, kabuhayan, kapayapaan, at kalikasan.
Seksyon 9. Katapusan ng Pananagutan
Bawat opisyal ay magsusumite ng Final Financial Report bago bumaba sa tungkulin.
ARTIKULO XI — Pagbabago at Amyenda sa Konstitusyon
- Ang Konstitusyong ito ay maaaring baguhin o amyendahan sa pamamagitan ng dalawang-katlong (2/3) boto ng Pambansang Konseho, pagkatapos ng pormal na konsultasyon sa mga tribo.
- Ang anumang amyenda ay dapat ipahayag sa Pambansang Pagpupulong at pagtibayin ng mga nakatatanda at pinunong tribo bago maging epektibo.
- Lahat ng pagbabago ay dapat nakaayon sa Batas ni Yahweh at sa layunin ng PKKMP.
PAGPAPATIBAY AT PAGLALAGDA
Nilagdaan ngayong Oktubre 30 araw ng Birnes, 2025
sa Bulwagang Rumualdez, Daang JP Laurel, Malacanang, Maynila, Republika ng Pilipinas.
Bilang pagkilala sa pagkakaisa, karunungan, at banal na pamana ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas.