August 1, 2026 | Sabado
Harap ng Pintuan ng Tribal Hall
Panay Bukidnon Ati Tribe Watchman Council of Elders
Cagban Bubon, Boracay Island, Brgy. Manoc-Manoc, Malay, Aklan, Panay Island, Region VI β Western Visayas
Sa ikalawang araw ng preparasyon, matagumpay na natapos ang paghahanda para sa Field-Based Self Delineation of the Native Title ng Betino Oberio Clan at De Jose Clan, bilang bahagi ng mapayapang proseso ng pagtukoy sa saklaw ng kanilang inaangking lupang ninuno.
Bilang paggalang sa kaugalian ng pamayanan, isinagawa sa harap ng pintuan ng Tribal Hall ang Pagmalay at isang panalangin ng paghingi ng gabay sa Diyos, kasabay ng simbolikong pag-aalay ng puting manok ayon sa kanilang tradisyon. Ang layunin ng pagtitipon ay humingi ng karunungan, pagkakaisa, at mapayapang paggabay bago ang Field-Based Self Delineation na nakatakdang isagawa sa August 4β7, 2026.
Pinangunahan ni Dato Binalan Hanas ang seremonya ng Pagmalay, habang pinatunog ni Dato Babay Cirilo Pelayo Casimero ang Bodyong bilang hudyat ng pagkakaisa at panawagan sa pamayanan. Naging mga saksi rin ang Pamayanan ng Panay Bukidnon Ati Tribe, kasama si Bai Fraidelyn Samal Dani, isang mandirigmang Blaan mula sa General Santos City, at si Dato Kalantiaw Leonardo B. Salem.
Ang gawaing ito ay nagpapakita ng patuloy na pangangalaga sa kultura, tradisyon, at pagkakaisa ng pamayanan habang isinusulong ang mapayapang proseso kaugnay ng kanilang inaangking Native Title at Ancestral Domain.
Batayang Talata sa Banal na Kasulatan
> “Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos, na nagbibigay nang sagana sa lahat at hindi nanunumbat, at ito’y ipagkakaloob sa kanya.”
β Santiago 1:5
> “Magtiwala ka sa Panginoon nang buong puso mo at huwag kang manalig sa iyong sariling pagkaunawa. Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong mga lakad, at itutuwid Niya ang iyong mga landas.”
β Kawikaan 3:5β6
> “Maliban na itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhan ang pagpapagal ng mga nagtayo nito.”
β Awit 127:1
> “Ipinahayag sa iyo, O tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo kundi ang gumawa ng katarungan, umibig sa kagandahang-loob, at lumakad na mapagpakumbaba na kasama ng iyong Diyos.”
β Mikas 6:8
“Sa bawat hakbang ng pamayanan, ang ating panalangin ay ang Diyos ang manguna, magbigay ng karunungan, at magtatag ng katarungan, kapayapaan, at pagkakaisa para sa kasalukuyan at sa mga susunod na salinlahi.”
#PanayBukidnonAtiTribe#WatchmanCouncilOfElders#NativeTitle#FieldBasedSelfDelineation#AncestralDomain#PKKMP#PerlasNgSilangan#CustomaryLaw#Boracay#MalayAklan#WesternVisayas#DatoBinalanHanas#IndigenousPeoples#Justice#Unity#prayerispowerful














